top of page

31 Community Extension programs, piling ROTC cadets, binigyang parangal sa ikatlong pagtatapos ng NSTP

John Paul Siapel, Dave Modina


Kinilala sa ikatlong pagtatapos ng National Service Training Program (NSTP) sa MSU-GenSan ang 31 Best Community Extension programs na ikinasa ng mga estudyante mula sa Literacy Training Service (LTS) at Civic Welfare Training Service (CWTS) habang binigyang pagkilala ang mga piling kadete ng Reserve Officer Training Corp (ROTC) dahil sa  kahusayang ipinakita sa nagdaang Regional Annual and Administrative Tactical Inspection (RAATI) 2025.


Ang mga proyekto ay binigyang pagkilala alinsunod sa sinumiteng paunang kinakailangan, kabilang na ang mandato na kinakailangang ang proyekto ay naisagawa sa isang komunidad.


© Rayjie Carillo


Binigyang pagkilala ang Project MATHURO, Small Kits, Big Impact, BRIGADA PAGBASA, Project TAMBLER, PROJECT LAVARN mula College of Education, PROJECT SAVE, Food for the Body, Faith for the Soul, Leading the Change for Cleaner Shores, TREE GROWING, Paduwa, From "Wala na 'to to OKa na 'to", Eco-Action 2025, Green Tomorrow, Taking Action for Proper Waste Disposal ng College of Agriculture, at ADOPT A COAST ng College of Fisheries.


Kasama rin sa kinilala ang KaBalota, Tides of Transformation, 3Ps: Pagsapat, Pagsulat, at Paglalahad, Lit the Seeds Grow to LIT the Stories Unfold, Future Champions ng College of Humanities and Social Sciences, Project CLEAR, Map for All, Give with Care, Empower to Share ng College of Natural Science and Mathematics, Guhit Kamay, Shield Up, Towards a Sustainable Future, Innovate & Build, Plant a Seed: Grow a Dream ng College of Engineering, Account Turo ng College of Business Administration and Accountancy, at  Islamic Citizenship and Reformative Engagement ng Institute of Islamic, Arabic, and International Studies (IIAIS).


Sa temang “Empowering the Filipino Youth: Strengthening Volunteerism and Nation-Building through NSTP,” nagkaisa ang iba’t ibang kolehiyo ng pamantasan na magdiwang ng may karangalan, kaakibat ang responsibilidad na makiisa at magsama-sama para sa pag-unlad ng bayan.


Ayon sa mensahe ng inimbitahang panauhing pandangal sa naturang pagtatapos na si Nathania Danielle T. Quijano, bagama't wala sa kanyang isip ang volunteerism noon, naging hilig niya rin ito sa paglipas ng panahon.


“First year college pa ako, so ina-navigate ko pa yung college next year. But what I didn't realize, now that I'm looking back on it, I unknowingly planted small seeds. It rooted from one small decision, and I found fulfillment in the service of others. So I want you to inculcate that in your mind, the service of others, that is what the NSTP subject is trying to teach you,” saad niya.


Sa kabilang banda, nagbigay rin ng mensahe ang Vice Chancellor on Student Affairs and Services, Dr. Norman Ralph Isla matapos nitong mabanggit tungkol sa pagiging mandatory ng NSTP course at hindi na lamang boluntaryong aktibidad.


“Sana ang mga gawain ng mga community extension programs ay magpatuloy pa at sa ating mga partners, please, sirs and mams, huwag sana tayong magsawa sa pagsuporta sa MSU- General Santos,” giit niya.


Dagdag pa rito, nanawagan din si Isla  na dapat maging isang mabuting tagapaglingkod ang mga magtatapos para sa bayan.


Ano ang bago? 


Matapos ang Ikatlong National Service Training Program (NSTP) graduation, nakapanayam ng Bagwis ang NSTP Director na si G. Rhumer Lañojan, MaEd.


Ayon pa niya, kapansin-pansin ang malaking pagbabago ng NSTP course ngayong taon kung ikukumpara sa nakaraang taon.


“One big notable change is that NSTP has its own structure this time. We have our own syllabus. That is a uniformed and harmonized syllabus,” saad niya.


Dagdag pa rito, malaking tulong rin ang mga naturang community extension programs para sa pagpapayabong ng unibersidad.


“Nakita ko rin ang importance ng ganoong activities sa NSTP as a potential answer to our accreditation,” dagdag niya.


Gayunpaman, hinimok ni Lañojan ang mga mag-aaral na makiisa at magtulungan sa hinaharap na hamon ng bawat komunidad.


 
 
 

Comments


bottom of page