top of page

Chancellor's Bball Cup '25, matagumpay na nailunsad; Mentors, umukit ng kasaysayan

Matapos ang isang buwang paghataw sa court ng 12 na koponan sa taunang Chancellor's Cup Basketball League ng Mindanao State University-General Santos City (MSU-GSC), nangibabaw at lumipad patungong kampeonato ang Mentors ng College of Education (COEd) matapos dagitin ang 66-62 panalo kontra sa Anglers ng College of Fisheries and Aquatic Sciences (CFAS) sa ginanap na championship game sa Himnasyo ng Unibersidad, Setyembre 17.


Tuluyang tinuldukan ng Mentors ang krusyal at kauna-unahang talo Anglers sa nasabing torneo pagsapit huling kanto ng laban sa pamamagitan ng swabeng galaw at clutch plays ni Finals Most Valuable Player (MVP) Reynaldo B. Mangubat III—Kapitan at Alumni—na nagsilbing haligi ng tropa at puso ng opensa ng koponan.


ree

©Loiu Gee Tamalon



Sinamantala ng Mentors ang kahinaang ipinakita ng Anglers gamit ang kanilang run-and-gun play at matinding depensa, dahilan upang makopo nila ang bentahe habang patuloy na nalulunod sa mga 'violations' ang salungat—dahilan upang mauwi sa ikalawang pwesto ang CFAS.


Pabaon ng kanilang tagapayo na si Ginoong Jay Carlo S. Bagayas sa kanyang mga bata ay ang kalmado at hindi matinag-tinag na pokus sa loob ng court—kaya't kahit mainit man ang naging sagupaan ng magkabilang koponan, nanatiling kontrolado't hindi magulo ang kanyang 'team'


"I really stick sa point na hindi siya more on skills, it is more on attitude toward the sport jud", ani niya sa isang panayam matapos ang laban.


Dagdag pa ni Finals MVP Mangubat, mahalaga ang pagiging matatag ng kapitan ng isang grupo bilang tagapagpalakas ng loob ng kanyang koponan upang mapanatiling matibay sa laban.


Aniya, "Dili ipakita na luya ka, heart, heart and soul sa team ang maapektuhan ug magpaluya-luya ka."


Labis ang saya ng mga manlalaro at tagasuporta ng COEd sapagkat ito ang kanilang kauna-unahang major trophy na nakamit matapos ang mahigit tatlong taong pandemya.


Ayon kay G. Bagayas, “Pagbalik gikan sa pandemic, dili jud mi maka-finish even sa intramurals. This is the first time na gina-consider namo as major trophy for Educ sa basketball.”


Dagdag pa niya, ang kanilang pagiging kulelat noong mga nagdaang taon ay nagsilbing matinding motibasyon sa kanilang grupo upang magutom sa panalo at maibigay ang karangalan sa kanilang kolehiyo.


Samantala, ayon naman kay tournament manager, Ginoong Nerio Ilisan, isa sa mga salik ng tagumpay ng Mentors ay ang kanilang mga bigating manlalaro na sinabayan ng matinding pagsasanay.


“Ang Education ni-level up jud because of BPED (Bachelor of Physical Education), and some of the players were from Palaro. At yung pag-practice nila ay nag-develop talaga,” wika niya sa isang pribadong panayam.


Sa kabilang banda, naigupo ng Institute of Islamic, Arabic, & Int'l Studies (IIAIS) Tribals ang mga beteranong basketbolista ng Admins matapos humataw sa 60-56 panalo at selyuhan ang ikatlong puwesto sa ginanap na battle for third sa parehong araw at lugar.


Ipinamalas ng Tribals ang impresibong koordinasyon na nagbigay ng sakit ng ulo sa kanilang katunggali at naging susi upang masiguro ang kanilang tagumpay.


Solidong depensa at puspusang pagpupursige ang inilatag ng Admins upang makahabol sa ikatlong frame, dahilan para maibulsa nila pansamantala ang kalamangan, 45-44.


Gayunman, kapos pa rin ang mga beterano at hindi napigilan ang Tribals na nagdala sa kanila upang makuntento sa ikaapat na pwesto.


Comments


bottom of page