top of page

CNSM, binawi ang kampeonato sa Gen Info mula COE


Lourenz Loregas


Nagresulta sa isang sandwich victory ang pagkapanalo ng College of Natural Sciences and Mathematics (CNSM) ngayong taon matapos nitong mabawi ang kampeonato sa General Information category ng Academic Night ng Intramurals 2025 mula sa naghaharing kampeon na College of Engineering (COE).


Muling naibalik ni Lee Roi Rosano ng CNSM ang kampeonato para sa kanilang kolehiyo matapos mabigong madepensahan ang titulo noong nakaraang taon, kung saan nasungkit niya ang 2nd runner-up.


ree

© Rayjie Carillo


Samantala, napilitang magtapos sa 1st runner-up ang COE ngayong taon sa muling pagsabak ni Rosano sa kompetisyon.


Sa isang panayam ng Bagwis kay Rosano, iniugnay niya ang kanilang muling pagkapanalo ngayong taon sa mga pagbabagong ipinatupad ng kanilang koponan.


“Especially with how we've carried on the momentum of our last year's win, we've been able to share it with other categories, not just math and team [quiz], but also with general information,” pahayag ni Rosano.


Dagdag pa niya, itinutiring niyang magandang senyales ang kanilang panalo dahil aniyay maaari pa nilang ipagpatuloy ang kanilang momentum at maging isa sa mga hinahangaan at kinatatakutang koponan sa mga academic competition tuwing intramurals.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page