top of page

Manggagawa ng MSU-GSC, bida sa Flag-Raising Ceremony ngayong buwan

Tila naging sang-ayon ang panahon ngayong araw sa Mindanao State University- General Santos City (MSU-GSC) matapos matagumpay na nagtipon ang mga estudyante, guro at kawani ng iba't-ibang departamento ng unibersidad upang isakatuparan ang flag-raising ceremony sa buwan ng Mayo.


Ang seremonyang ito ay lalong naging espesyal sa kadahilanang isinagawa ito upang bigyan ng halaga, importansya, at kilalanin ang mga manggagawa ng unibersidad na patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa institusyon.


Sa pahayag ni Leonard Tucjayao, Kasalukuyang presidente ng Supreme Student Council (SSC), kanyang kinilala ang mga natatanging manggagawa ng unibersidad.


“To every worker, teacher, staff member, and administrator, thank you. Your work matters, your sacrifices matter, and you are deeply appreciated. Long live Labor Day!,” saad niya.


Dagdag pa rito, binigyang linaw rin ni Tucjayao ang tunay na kahalagahan ng pag-alala sa mga manggagawa.


“Labor Day is not only a holiday, it is a moment of reflection. It reminds us all that labor, whether physical, intellectual, or emotional, holds the inherent degree. It reminds us that progress is not made solely by those in positions of prominence, but by every hand that contributes, every mind that soars, and every heart that cares,” dagdag niya.


Matatandaan na ang Araw ng mga Manggagawa ang taon-taong ipinagdiriwang tuwing ika-1 nga Mayo.


Chancellor's Speech


Isinagawa ang unang Flag raising ceremony ngayong buwan sa Mindanao State University- General Santos City ngayong araw, ika-5 ng Mayo.


Sa mensahe ni Atty. Shidik Abantas, Chancellor ng MSU-GSC ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa matagumpay na Investiture noong nakaraang ika-28 ng Abril.


“All our dignitaries, guests, were impressed with what they saw when they arrived. And then, sa atin naman, that is our goal, yung makita nila is only the good things, but not the hardships that we had to go through,” pasasalamat niya.


Dagdag pa rito, nabanggit din ni Abantas ang tungkol sa nalalapit na eleksyon, voter's education, pagpresenta ng aprobadong school calendar, at iba pa.


Nalalapit na SUCM


Sa mensahe ni Chancellor Abantas nabanggit niya ang nalalapit na System University Council Meeting. 


Kalakip ng pagpupulong ang pagpresenta ng listahan ng mga estudyanteng makakapagtapos sa taong panuruan 2024-2025.


Ayon kay Abantas, isa rin sa mapag-uusapan sa pagpupulong ang pagpapaaproba ng mga bagong alok na programa ng unibersidad.


Paglilinaw naman niya na ito ay para sa mga programang hindi pa naipresenta sa system.


“Pero if it's already approved in the system, what we only ask is the authority to offer from the president,” paglilinaw niya.


Ang nasabing meeting ay gaganapin ngayong lunes — ika-12 ng Mayo ng parehong taon.


Pagbisita ni Dr. De Los Reyes


Sa kalagitnaan ng Flag Raising Ceremony kanina, ipinakilala si Dr. Benito De Los Reyes, isang second-rate scientist at professor ng Genetics mula sa Texas Tech University.


Ayon kay De Los Reyes, nais niyang makagawa ng malaking ambag sa unibersidad sa kanyang pagbisita.


“I wanted to see a real impact. And for me, a real impact is not just seeing my papers getting published in the highest impact journals, international journals, but I wanted to see my contribution in elevating the quality of life of people as a scientist,” ayon kay De Los Reyes.


Dagdag pa ni De Los Reyes, nakikitaan niya ng malaking potensyal ang unibersidad sa larangan ng pananaliksik.


Mamalagi si De Los Reyes sa Gensan sa natitirang dalawampung araw.


Comments


bottom of page