MSU-GSC nagsagawa ng solidarity call sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power 1; Nakikita ang nagliliyab na tinig ng pagkakaisa
- John Paul SIapel
- Feb 26
- 3 min read
Nakita sa mukha ng bawat mag-aaral ng Mindanao State University – General Santos City (MSU-GSC) ang nagnininggas na pusong puno ng pagmamahal sa bayan habang ginugunita ang ika-39 na anibersaryo ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) People Power Revolution One sa pamamagitan ng “A Commemoration of People Power 1”, isang solidarity call na naglalayong ipagdiwang ang tinig ng mamamayang Pilipino sa Laktanan Wellness Garden, Pebrero 25.
Sa temang “Sama–samang Pagsulong, Lakas ng Bayan”, patuloy na ipinagdiriwang ng mga MSUans ang lakas ng pagkakaisa at bayanihan upang ipaglaban ang kasarinlan at kalayaan sa kamay ng pamumuno ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

© Krishtine Rivera
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Chancellor Atty. Shidik Zed T. Abantas ang kaniyang pakikiisa sa pag-alala sa isa sa masalimuot na kalagayan ng bansa, sa kabila ng maulang dapithapon.
“Imagine you are part of the people who stood against one of the world's most dangerous governments at that time. If it were to rain, it wouldn’t compare to the struggle of those who stood in front of tanks, blocking armed men with nothing but their courage. Imagine their bravery on that day—February 25, 1986,” kanyang tinuran.
Pagkilala sa kabayanihan ng bawat Pilipino
Kinilala ni Abantas ang kabayanihang ginawa ng mamamayang Pilipino, nagpapatunay na mas malakas ang tinig ng pagkakaisa at kapatiran kung ang bawat isa ay magtutulungan sa iisang mithiin.
“On that day, we gathered to honor an event etched in courage and hope, where the Filipino people, armed only with faith in humanity, reshaped the destiny of a nation. The world witnessed a miracle—a revolution without bloodshed, where prayers drowned out tanks and yellow ribbons symbolized the triumph of life over darkness,” ayon kay Abantas
Gayunpaman, isiniwalat ni Abantas na hindi magiging hadlang ang pagpapatupad ng pagpapatupad ng Special Working Holiday upang alalahanin ang isa sa pinakamahalagang araw sa kasaysayan, kabilang ang mga massacre na naganap sa panahon ng diktadura.
“As a Moro, I recall that we suffered at least 27 massacres under this dictatorship—the Jabidah Massacre, the Tacub Massacre, the Manila Massacre, the burning of Jolo, the Palimbang Massacre, and the Pata Island Massacre, to name a few,” pinaalala ni Abantas.
Sinambit ni Abantas ang pagbabalik tanaw sa mga naganap sa nakalipas na apat na dekada, kabilang na ang pagsama-sama ng mga mamamayan sa gitna ng EDSA.
“Nuns knelt before tanks offering flowers and leave, strangers shared food and shielded soldiers with their bodies, and the radio broadcasts became the heartbeat of the revolution, uniting a nation,” kanyang sinambit.
Sa loob ng apat na araw na pakikibaka, ikinuwento ni Abantas na naging posible ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino, sa kabila ng pagkakaiba ng estado, pananampalataya, at pananaw.
“When the leader of that regime fled, democracy rose, making the Philippines a beacon of hope. EDSA taught us that dictatorship can crumble without a single shot fired,” iisinaad ni Abantas.
Ayon kay Abantas, ang EDSA People Power Revolution One ay patunay na ang pagmamahal sa bayan ay hindi isang relikya kundi isang responsibilidad, at kabilang sa ating responsibilidad ang paglaban sa kinakaharap na banta sa aspektong pangkalayaan at katarungan.
“We can honor the legacy of EDSA People Power 1 by safeguarding our freedoms, fighting against injustice, and refusing to forget. Let us educate the next generation not just with history books but with actions that reflect EDSA's values—integrity and compassion,” kanyang ibinahagi.
Samakatuwid, hindi lamang magiging alaala ang EDSA, bagkus magiging salamin upang ipakita ang bagsik ng nagliliyab na pusong puno ng pagmamahal sa bayan.
“Together, let us continue the march—not just on EDSA, but in every choice we make for justice, dignity, and love of country, and let's ponder that it is not just all about EDSA being successful, but on how we keep the spirit of People Power alive as we move forward,” ipinunto ni Abantas.

Tinawag upang magkaisa
Ang Solidarity Call ay inorganisa ng mga mag-aaral at guro ng Departamento ng Kasaysayan na may layuning ipaalala at ipagdiwang ang kalayaang ating natatamasa pagkatapos ng diktadura.
Batay sa nilagdaang University Memorandum Blg. 006 – 25C noong Pebrero 24, inatasan ang lahat ng mga mag aaral sa AB History, AB Political Science, NSTP, FPE 101, at mga SSC Officers na makiisa sa solidarity call.
Kabilang sa mga aktibidad na ginawa sa programa ay ang pagpirma sa pader bilang tanda ng pagkakaisa, pagdarasal, at ang pagpapailaw ng kandila bilang simbolo ng pagkilala sa mga bayaning nakibahagi sa EDSA People Power Revolution 1.



Comments